OH NO!
DUMADATING TALAGA ANG PROBLEMA...
DUMADATING TALAGA ANG PROBLEMA...
Friday na naman! :)) half day na naman ako ngayon... pero parang whole day na din ang magiging schedule ko ngayon kasi may LRC kami after class... super kailangan talaga nun kasi mahirap ang math17! hahaha :)) simulan natin ang aking umaga... ayun... normal na pangyayari pero ayun nga lang... hindi ako nahirapan mamili ng isusuot ko ngayon! :)) hahaha! di ko alam kung bakit... kapag wednesday and friday... di ako nahihirapan mamili ng damit pero ganung oras pa din ako nakakaalis ng bahay! :)) hahah! parang ang dami kong ginagawa pero wala naman... mabagal lang siguro talaga ako kumilos.
Math17 na namin... ayun noong una normal pa naman ang klase!:)) kaso nga lang biglang nahighblood si sir! di ko alam kung bakit... basta habang nagtuturo sya biglang nagbago mood niya... baka nagalit sya kasi ang ingay namin! matapos nun... ayun pinagsolve niya kami sa board at dahil nga sa pangalawa ang pangalan ko sa listahan. ayun natawag ako para magsagot! :)) hahah! kinabahan ako nun kasi hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko... matapos ko magsagot nag brainstorm kaming magkakaklase dun sa sinagutan ko! :)) hahah! may nagsasabi na tama meron ding nagsasabi na may kulang daw sa ginawa ko... nung dumating ulit si sir kinabahan na talaga ako nun kasi baka mali nga yung ginawa ko at mas mapagalitan ako o kami! nung chinecheck na ni sir yung gawa naming nagsagot... tama naman yung ginawa ko! woooh... buti na lang! :)) matapos naming masagutan yung mga tanong biglang nasa mood na naman si sir! :)) hahah! yun humanga pa kami dun sa program na pinakita niya sa amin na makakapagplot ng points tapos naging compsci na naman math namin kasi may sinolve kaming problem at compsci na compsci ang pagsosolve! :)) masaya ako pag ganun kasi nasshare ni sir yung ideas niya sa compsci na major niya talaga! :)) isang malaking karangalan para sa akin ang maging guro ang isa sa mga nagsuggest na magkaroon ng compsci sa upb! :))
matapos ang math namin.. english naman! :)) wala namang nangyari dun para kabahan ako... pero masaya ang naging discussion namin! matapos ang english namin.. nagkaroon na naman kami ng block meeting! :)) at ayun napuno na naman ng tawa! wooohooo... ang ingay ingay namin noon! buti na lang hindi nagalit yung mga teachers! :)) ayun nagkaroon din kami ng pictorial... as a block yun syempre! :)) ang saya saya...
isa na din siguro kung bakit ako parating masaya... kasi napunta ako sa block na walang nangyayaring siraan... kahit na hindi pa kami lahat ganung kaclose... kapag magkakaclose kami... talagang maiingay kami at nagkakasundo sa iisang bagay! :)) parang ganun... hahah! ganito din yung dahilan ko nung nasa hs pa ako... kahit na mahirap ang 4th year life... gumaan yung dating niya kasi andyan yung mga kasection ko na parating nagpapatawa at hindi ramdam sa section namin noon yung competition... katulad din nga ngayon sa compsci! :))
matapos ang aming klase... kumain ulit kami sa canteen! :)) magkakasama kaming ibang mga girls... pinagdikit pa namin yung dalawang tables para talagang sabay sabay na! matapos iyon... may nangyari... nagalit sa amin yung isa sa mga kaibigan namin na kasama din namin sa scrc! may point naman sya kung bakit sya nagalit e... di kasi namin tinitingnan yung oras... nag antay tuloy sya ng matagal doon sa lrc! pero humingi naman kami ng sorry... kaso syempre nasaktan namin sya kaya hindi madali na mapatawad niya kami! hindi na sya sumama sa amin sa lrc kasi daw may gagawin na daw sya sa bahay nila... ako? sa sarili ko... aminado ako na nagkamali nga kami kasi hindi namin napansin yung oras kahit na may orasan pa ako! at isa pa sa pagkakamali namin hindi namin sya tinext na medyo malelate kami sa lrc! kaya ayun nung umalis na sya... kahit na sinabi niya na okay na daw... nagtext pa din kami ng sorry! ngayon? alam ko na dapat maging mas alerto na ako sa oras at magtext kapag ganung malelate nga!
nung naglrc na kami.. syempre sa loob ko... iniisip ko na sana andun sya para matanong nya din yung mga dapat niyang itanong at malinawan din sya sa kung anuman na naguguluhan sya! pero dun naman sa kaalamanan na nakuha ko dun... natuwa ako kasi naintindihan ko na yung mga bagay na magulo sa math! :)) habang nagkklase kami... nagtext ulit yung kaibigan ko na nagalit nga sa isa pa naming kaibigan at ang sabi niya ay ayos na daw iyon! sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan na nabuo sa amin... pero alam ko naman na hindi sya ganun! hindi sya magpapaapekto sa ganun...
matapos ang lrc namin... dumaan muna kami sa session road at dun din naman talaga ang daan namin pauwi! kasi magpapaxerox kami nung reviewer namin sa math... hahaha! :)) at ayun nga hindi ko pa pala nasasabi... nung math17 namin nagulat ako dahil biglang nagpapakita na lang sa phone ko eh yung battery niya! ayaw na magpakita ng menu, messages etc. noong una akala ko cellphone ko ang may sira yun pala yung sim card... kinabahan ako doon kasi ayaw ko na mawalan ako ng phone para sa globe ko kasi majority ng mga taga comsci block at mga hs friends ko naka globe! :)) kaya ayun nung malaman ko nga na sim card lang sira... natuwa talaga ako at napawi lahat ng panghihinayan sa sarili ko! :)) kaya ayun bumili kami ng sim card sa session road... kaya ngayon bago na ulit number ko! napilitan nga ako ulit gumastos para magpaload at magunli... pinilit kong mag unli kasi kailangan kong ipakalat yung number ko kasi hindi ako sanay na walang nagtetext sa akin! kaya ayun nag unli ako... akala ko noong una matatagalan pa bago ko ulit matanggap mga gms ng dati kong kaklase kasi nga bago number ko at mahirap maeffort ang pag aayos ng distribution list! pero nung gabi na... lahat ulit sila ay nagsesend na sa akin ng gms nila... laking pasasalamat ko na friday nasira ang sim card ko kasi kung hindi yun weekend o friday... wala pa talaga akong matatanggap na text kasi busy sila! :))
matapos iyon.. umuwi na nga ako! :)) pagdating ko sa bahay... mag isa pa lang ako! nagpahinga lang ako ng konti tapos dumating na din yung kaibigan ko at yung nanay niya! kaya ayun... may kasama na ako ulit! kumain na kami... nung medyo malapit ng mag ala siyete... inutusan kami na magtapon ng basura sa may bungad ng street namin kasi dadating yung basurero kaya itinapon namin iyon at habang naglalakad kami... nag usap kaming magkaibigan at napagkasunduan namin na pumunta sa varsity night na ginaganap sa up bulwagang juan luna. inaya na din namin ang kanyang ina kasi hindi din kami papayagan ng kami lang dalawa...
pagdating namin sa up... hindi pa nagsisimula yung show! :)) woohooo... masisimulan pa namin at sa katunayan ito ang kauna unahang "night" na maaatenand namin... hindi naman kami nagsisi kasi nakita namin yung mga varsity sa up at dun ko din nalaman na marami pala sa mga kaklase ko sa table tennis class ko ay mga varsity o dance troupe. nakita namin magperform yung mga taga dance troupe at yung pep squad. dahil sa varsity night... mas naexcite tuloy ako sa nalalapit na freshie night! :)) tinapos namin ang varsity night... tapos dumaan kami sm kasi may kailangang bilhin yung kaibigan ko at dahil sa malapit na yung closing ng sm... nagkaroon kami ng adventure at ikinatuwa ko iyon! mahilig kasi talaga ako sa mga adventures... nagtatakbo kami sa loob ng sm na tinawag namin "chair tennis" kasi wala lang... ayun nabili naman nya yung dapat niyang bilhin! :)) ayun... dahil nga nasa sm na kami at closing na talaga... nahirapan kami sumakay ng taxi! kaya naglakad kami papuntang session road at nagdecide na magdyijeep na lang kami... nung dumaan kami sa bilihan ng ice cream na higante bumili na din kami... pagkadating namin sa sakayan.. wuah! wala ng jeep kaya nagtaxi na lang kami! pagkauwi namin... nagpahinga na kami kasi napagod talaga kami! :)) hahah!
kabuuan? ayun... as usual... masaya na naman ako! :)) may mga natry akong bago at ikinatuwa ko talaga iyon! :)) hahah! pero syempre medyo nalungkot din ako... kasi nga may nagalit sa amin na kaibigan dahil sa kapabayaan namin! wuah... sana talaga ayos na!

*anna*
eiheneneih12
eiheneneih12

No comments:
Post a Comment