Saturday, August 15, 2009

HELL DAY?
SIMULA NG KALBARYO PARA SA BUONG LINGGO! :))


Sa katunayan ginamit ko lang yang mga salita na yan kasi yan ang madalas na ginagamit ng aking mga naging kaklase kapag ang schedule nila para sa araw na iyon ay buong araw o whole day. Ngayong araw na ito (Martes), matatawag kong hell day din kasi simula ala-siete hanngang ala-singko y medya ang aking schedule ngayon. Pero hindi ako sanay na tinatawag na hell day ang mga araw na ganyan... nakiki-ride lang ako sa mga pauso nila. Ang tawag ko sa mga araw na ganito ay hectic schedule! :)) Pero dahil nga hindi ako sanay sa mga ganung salita... mas maganda na isipin ko na lang na nakikipaglaro ako sa mga hagdanan sa up baguio! :)) hahaha! Tagu-taguan daw... paunahan sa base! kapag nadapa ako... Sila panalo! :)) joke lang! Pero mas maganda na ganun na lang isipin ko kaysa yung pagod na nararamdaman ko sa pagtahak ko sa mga abortion stairs dun! :)) Sa huli naman... Ako pa din ang panalo kasi may matatanggap din akong reward at ayun ay yung mga kaalamanan na nakukuha ko sa pagattend ng klase.

Paano ko ba sisimulan ang pagsasalaysay ko sa emosyon ko para sa araw na ito? hahah! :)) Napuno ang araw ko ng pagtawa kasama ang aking mga kaibigan, pagkakaba dahil sa iba't ibang bagay at pagkagulo ng utak dahil sa mga pinapasagutan. Pero kung pagsasama-samahin lahat ng naramdaman ko para sa araw na ito masasabi ko na masaya pa din ako! :)) Bakit ako naging masaya? Kahit na may mga bagay na dapat kong ikalungkot? Simple lang... Ginamit kong muli ang pagiging positibo ko.

Umaga pa lang ng araw na ito, nakaramdam na agad ako ng kaba dahil akala ko ay ako ay malelate na sa klase ko na magsisimula ng ala-siete ng umaga! :)) hahaha! Natagalan kasi ako sa pagpuli ng susuotin kong damit... Inipit kasi ako ng p.e short ko at nang mga ordinaryong short ko sa closet ko! :)) hahaha! Pero sa huli dahil sa matinding pakikiusap... nanalo ang p.e short ko! Pero dahil dun... Nakaalis na ko sa bahay namin ng 6:45am! wooohooo! 15minutes bago magtime... hahah! :)) Buti na lang hindi ako nahirapan sumakay ng jeep kasi pagdating ko sa sakayan... may jeep na! :)) Samakatwid nakarating ako sa UP ng walang pawis at hindi ako late! :)) Ayaw ko na malate! hahaha... Kahit na college na ako ngayon... mas maganda pa din kung hindi ka malelate! mahirap makapasa kapag hindi ka umaattend ng klase!

Pagkadating ko sa lugar kung saan kami madalas nag aantay kay Sir... Boogsh... Wala pang tao! :)) hahaha! Pero huwag akong mangarap... Hindi ako maaga! Nasa room lang sila... Nakabukas na kasi yung room pagdating ko pero ang bilang nung laman nung room... mabibilang sa kamay! :)) Ayun pagdating ni Sir medyo madami na kami... nagsimula na din kami at sa bandang dulo ng klase... umiral na naman ang pagkakaba ko! Bakit? Kasi andyan na si Blue Book! Si Blue Book na aking pinakamamahal... Pinaghiwalay noon ang aming landas nung panahon na pauwi na ko ng Metro Manila (ang kauna-unahang uwi ko sa Manila after ilang buwan!). Pero nung makita ko ang aking file case na bitbit ko sa loob ng Victory Liner... Andun pala yung kakambal niya! :)) Yung sinasabi kong blue book... yung literal na blue book na nabibili sa up sa halagan 2.25 pesos! :)) At ang sinasabi kong nagdulot sa akin ng kaba... ngayon ko na malalaman kung pumasa ba ako sa 2nd long exam ko sa math17! :)) wooohooo...

Nagsimula ng matawag si sir ng mga pangalan pero asan na yung pangalan ko? kinakabahan ako lalo! Lub Dub Lub Dub!! Ayan na tinawag na pangalan ko... Nakuha ko na si Blue book at yes!! pasado ako!! Pero nakakataouch ang pagkakapasa ko... pasang awa talaga eh! 1% lang ang nilamang ko kay passing grade! in short 56% ang average ko at ang passing ay 55%! hahah! Kamusta naman yun? pero masaya pa din ako kasi ineexpect ko na talaga na bagsak ako dun eh... Kasi hindi ako nakapag aral ng ayos noon! :))

natapos ang math17... 1hr and 30 mins break din ang kahaharapin namin! ang ginawa ko noon? nakipagtawanan kasama ang mga kaibigan ko! :)) Dumaan ang dalawang cmsc 11 at isang break ulit... Pero nagdulot lamang sa akin iyon ng pagkagulo ng utak! hahaha! nagkaroon kasi kami ng mga seatworks... at sadya nga naman na naguluhan ako lalo na sa laboratory... noong break naman? ayun... nanghihinayan ako! kasi sabi ko sa sarili ko... "di ako gagastos ngayong linggo"... grabe napagastos ako! wuah! Pero natuwa naman ako sa pinagkagastusan ko... Una muna nabawasan ang aking pera dahil nagpautang ako sa isang kaibigan na nabibitin sa pera... Pangalawa natagpuan ko ang aking ka meant to be sa quantum sa sm baguio! kung sa sm valenzuela natagpuan ko din ang ka meant to be ko... ganun din naman sa baguio! :)) sa valenzuela... sya ay si dmx kaso sa wof nga lang at sa baguio naman... sya ay si mario kart! :)) yung sinasabi kong kameant to be ko ay yung mga laro sa loob ng mga establishments sa loob ng isang mall! (meant to be- hinahanap hanap kong laro na ikakatuwa ko talaga)

ayun dahil nga sa hapon na... ito na ang start ng hectic schedule ko! hahaha! after kasi ng klase ko sa cmsc11 lab (1:00pm- 2:30pm)... p.e class ko na (3:00pm- 4:00pm) pagkatapos naman noon ay psych10 class ko na (4:00pm- 5:30pm)! :)) Sa aking p.e class nagkaroon lang kami ng practice para sa sunod naming practical at laking katuwaan ko naman kasi naibalik ko lahat ng bola na pinapatira sa akin ni sir! Ang p.e ko kasi ay table tennis! :)) matapos kong mag p.e kailangan kong akyatin si "mas abortion stairs"! hahaha! :)) tapos bababa ako kay "abortion stairs orig"! woohooo... mga muscles ko nadedevelop! pero kahit na ganun... masaya pa din ako kahit na syempre nakakapagod at ang dahilan ko... mga kaibigan ko!! minsan kasi inaantay nila na matapos na p.e class ko tapos sabay sabay kami pupunta sa css o minsan naman kapag nauna na sila sa akin sa css... pagkapasok ko sa room kakamustahin agad nila ako! nakakatouch...

ayun natapos na nga ang klase at may balita pa... wala daw kaming socsci10 at psych10 kasi may aatenand daw si ma'am (hi ma'am)! :)) ayun... sa thursday pala... hindi hectic ang sched ko! hahaha... isa pa pala sa magandang pangyayari ngayong araw na ito... WALANG ULAN! :)) hindi umulan... ayun yun eh! :)) kaya pagkauwi ko naggala kami sa lugar namin! nakakamiss din yung ganun... noon kasing nasa valenzuela ako... madalas din namin yung gawin ng kaibigan ko na kasama ko din sa bahay ngayon! :)) nalilibot namin lahat ng street sa lugar namin umaabot pa kami hanggang palengke tapos nagkkwentuhan lang kami habang naglalakad :))

ayun bukas? birthday ng mama ko! woohoo... 49 na sya! nakakatuwa naman... syempre medyo malungkot kasi wala ako dun pero syempre may binabalak na ako para makabawi! :)) alam ko naman na mas matutuwa sila kapag mas pinagbuti ko pa pag-aaral ko! :))

ayun... katulad nga ng sinabi ko kanina... masaya ako ngayong araw na ito! :)) walang masamang elemento na nakapagpabago sa mood ko! basta kailangan ko lang isipin yung mga positibong dahilan kung bakit nangyayari yun! :)) kailangan kong balansehin... alam kong parang naging diary na ito! :)) natutuwa kasi ako magshare ng nangyari sa araw na ito!

*anna*
eiheneneih12



No comments:

Post a Comment