MAGANDANG GABI :))
AYAN ITO NAMAN ANG PART 3 NG AKING PANIMULA!
kung makikita niyo po kasi ang aking blog na http://justpurerandomness.blogspot.com makikita niyo po na madami akong ginawang introduction kasi gusto ko pong alamin kung saan ako mas madadalian!

Katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi ito ang unang post ko para sa blog o sa aking journal. Mayroon na akong dalawa pang ibang posts para sa panimula ng aking journal na pinamagatang "journey to randomness". Napapaisip siguro kayo kung bakit journey to randomness ang naisip kong pamagat para sa aking journal na ito. Ang aking masasabi dyan ay hindi ko din alam! :)) Joke lang! Hilig ko lang kasi talaga sabihin ang salitang "randomness" na ayon sa aking pinagsama samang ibig sabihin ay nangangahulugang walang eksaktong paksa ang inyong usapan. Halimbawa kausap mo ang iyong kaibigan at kinekwento mo sa kanya ang iyong alagang aso matapos ang isang minuto bigla mo namang nakwento ang tungkol sa paborito mong isports. Ganyan ang pangangahulugan ko ng salitang randomness. Pasensya na kayo kung pati ito ay naisama ko pa sa aking panimula. Oo nga pala bumuo ako ng isang blog na pinamagatan ko ngang journey to randomness dahil gusto kong dito ko muna ilagay ang aking araw-araw na emosyon.
Bakit nga ba mahalaga ang isang emosyon sa tao? Hindi mo ba alam na kung wala kang emosyon ay isa kang taong binuo gamit ang teknolohiya o robot. Lahat tayo ay may emosyon at may kanya-kanya tayong paraan kung paano natin ito naipapakita o naipaparamdam sa ibang tao. Ano ba ang madalas mong gawin kapag ikaw ay malungkot, masaya o nagagalit? Ipinapakita mo ba ito ng literal o nais mong iparamdam ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng clue? Kilala mo ba ang mga emo na tao? Sila yung mga tao na kapag nalulungkot o nasasaktan ay naglalaslas o sinasaktan ang kanilang sarili. Ganyan ka ba? Ako hindi! Sila yung mga tao na ipanapakita ng literal ang kanilang emosyon. Eh yung mga moody? Kilala mo ba sila? Sila naman yung mga tao na paiba-iba ng mood at ang dahilan nila... Simple lang... Ayaw nila ipahalata yung nararamdaman nila sa iba. Ganyan ka ba? Ako medyo! Sila naman yung mga tao na ayaw sabihin ng diretso ang kanilang nararamdaman.
Bakit nga ba ako naging moody? Hindi naman madalas na ganun ako eh! Minsan lang naman... Kasi madalas ang emosyon na naipapakita ko talaga o sadyang nararamdam ko ay masaya. Hindi kasi ako sanay na nalulungkot ako... Minsan kapag nagagalit ako mas pinipili ko na lang na manahimik kaysa mag dulot pa ako ng gulo. Madalas naman... Idinadaan ko na lang sa mga positibong bagay ang mga nagaganap sa akin. kaya di pa din ako nagiging malungkot Ano ba ang madalas mong gawin kapag ikaw ay bumabagsak? Umiiyak ka ba? Nagwawala? o mas ginaganahan kang mag-aral? Ako? Simple lang... Iniisip ko na yung pagbagsak ko ay isang problema na kailangan kong malutas kaya dapat ay hindi ako sumuko o sa maikling salita mas ginaganahan ako! Pero pag bumagsak ako ulit... Hindi ko na naman nagawa ang dapat sanang ginawa ko! Kaya kapag natanggap ko na ang resulta... Hindi ako nalulungkot ng buong araw.
Marami ang nagsasabi sa akin na mayroon daw akong "aura" na nakakapagpasaya din sa kanila. Natutuwa ako sa mga sinasabi nilang ganun kasi kahit pala papaano yung pagiging positibo ko na akala ko dati ay para sa sarili ko lang ay napupunta o naililipat ko din sa kanila. Nagiging ganun lang din naman ako dahil sa kanila eh kasi andyan sila para pasayahin ako. Hindi ko nararamdaman na nag-iisa ako.
hanggang dito na lang din muna ang aking panimula at akin na ding sisimulan ang aking journal. Marami raming pagttype pa ito! :)) Hindi din kasi ako makapagbukas nito noong nakaraang araw kaya nilalagay ko muna sa scratch paper :)) Domo Arigatou! :))

*anna*
eiheneneih12
eiheneneih12

No comments:
Post a Comment