Saturday, August 15, 2009

BAGUIO TOUR :))
AFTER ILANG MONTHS... NGAYON LANG KAMI MAKAKALIBOT! :))

after ilang months ng paninirahan namin dito sa baguio... ngayong araw lang kami makakalibot sa iba't ibang lugar dito sa baguio :)) nung umaga lang namin nalamang magkaibigan na maglilibot kami sa baguio kasi hinabol din namin yung sched ng isa pa naming kasama sa bahay na matagal ng nakatira dito sa baguio! :)) kaya ayun natuwa ako pagkagising ko kasi mahilig talaga akong maglibot libot! marami ang nakakapagsabi na maganda daw talaga sa la trinidad, benguet lalo na daw sa strawberry farm... kaya dun namin naisipan na pumunta :)) nagbyahe kami... at natuwa ako dun sa center mall kasi para syang grand central sa manila at kapag tinawid mo naman para namang 168. nagbyahe na kami papunta la trinidad at ayun sa nakita naming magkaibigan... naikumpara namin ito sa Caloocan na lugar sa metro manila dahil dun sa pagkakaayos ng mga bahay at nung lugar mismo. ang galing nga eh kasi patag yung lupa doon... parang nasa antipolo kami! :)) pinagsama samang lugar hahaha :))


nung makarating kami sa la trinidad, benguet... bumaba na kami sa benguet state university! dahil nga sa medyo malayo pa yung lugar talaga ng strawberry farm... naglakad na din kami sa bsu... at ayun sa aking nakita... patag yung lupa doon at malaki sya kaso nga lang masyadong mainit yung sa may field nila! :)) isa pa pala sa ikinatuwa ko noong mga oras na iyon ay mainit! walang ulan na naman... woooh! :)) nung makarating na kami sa strawberry farm... wala pa kaming nakitang strawberries kasi daw di pa panahon! pero natuwa pa din kami kasi hindi ganung kalamig doon sa lugar tapos may araw nga at ang daming bilihan ng kung ano-ano dun... kaya ang ginawa naming magkaibigan... nagpicture taking! :)) hahaha!


matapos naming maglibot doon sa la trinidad... bumalik na kami sa baguio! :)) ang ginawa muna namin ay kumain sa kfc na matatagpuan sa center mall... habang kumakain kami... merong bata na nakakatuwa! :)) andun sya sa may table malapit sa amin... hahah! :)) kinakamot nya kasi yung tyan niya at tawa kami ng tawa... ang cute cute pa niya kasi batang lalaki sya na chubby! :)) tapos nung nakita nya na tinitingnan namin sya... nagtago sya sa ate nya... e paalis na din kami nun... dadaan kami sa table nila... kaya nag hi kami sa kanya... tumingin lang sya sa amin... tapos pinapalapit sya ng kaibigan ko... kaso ayaw niya! :)) magandang ugali yun... kasi hindi sya sumasama sa mga hindi niya kakilala! :))


matapos noon.. nag taxi na kami papunta namang camp john hay... nung nasa taxi kami.. umuulan pero pagdating namin sa camp john hay... nawala bigla yung ulan... kaya nakapaglibot pa kami ng kaunti doon... kaso bigla namang bumuhos yung ulan! nastranded tuloy kami dun.. buti na lang malapit kami sa parang isang opisina doon! kaya dun muna kami nagpahina ng ulan... pinapasok kami sa loob ng opisina tapos pinapunta sa may lobby nila! :)) sakto naman na may mga koreano doon... noong una akala namin iisnabin kami nung mga yun pero bigla kaming nilapitan sinabi sa amin "are you sit?"... syempre hindi ko na napigilan tumawa noon... natawa ako kasi nabigla ako sa paglapit nila at pag alok at isa na din dun yung grammar! alam kong masama tumawa kapag nagkakamali... pero hindi ko na talaga napigilan! sorry... ayun medyo natagalan din bago dumating yung taxi na tinawag nung opisina na yun!


dahil sa napagod na din kaming tumayo... umupo na din kami sa tabi nung mga koreano... nag uusap sila gamit ang unknown language! :)) pero okay lang... kahit naman kami hindi nila maintindihan eh! :)) nagulat na lang kaming magkaibigan nung nilapitan kami nung babaeng koreana... nagtanong sya sa amin tungkol sa pagchecheck ng balance sa smart! :)) nung una hindi kami magkaintindihan kasi hindi nga sila fluent sa english pero hindi naman kami nabanas na magkaibigan kahit na natagalan bago namin naintindihan yung sinasabi niya... natuwa na din kami kasi nakatulong kami sa kanila! yun nga lang... sana maalala niya kung paano! masyado atang mabilis yung pagtuturo namin kasi andun na din yung taxi... nung makita nila na may taxi... nakiusap din yung mga koreano na sabihin din namin sa opisina na ipakuha din sila ng taxi... kaya masasabi namin na nakatulong kami noon at ikinakatuwa ko talaga iyon. ayun yung magandang nangyari sa camp john hay na sana ay naging paglilibot... ayun yung epekto ng pagiging stranded.


umuwi na din kami pagkatapos noon kasi lumakas na yung ulan... pagkauwi namin ay nanood kami ng movie hanggang 4:30 pm tapos umalis ulit kaming magkaibigan para magsimba sa cathedral! :)) tawa kami ng tawa habang naglalakad kasi kung anu-ano ang pinaguusapan namin! hahaha... nung nasa simbahan na kami... nagkaroon na ulit ako ng pagkakataon na makapunta sa bahay ng Diyos (syang nagbigay sa akin ng ugali na pagiging positibo) at makausap sya! kahit na araw araw ko din syang nakakausap... iba pa din yung pakiramdam na andun ka mismo sa bahay o sa institusyon na binuo nya para sa atin! :)) sa simbahan
... after ilang beses ng pagsisimba... nakakita din ako doon ng kakilala pwera sa kaibigan ko na kasama kong magsimba! :))

pagkatapos ng misa... naglibot muna kaming magkaibigan sa session road! :)) nagpunta sa ukay-ukay at nagsukat ng iba't ibang sapatos... matapos noon ay kumain kami ng banana cue... nagtatawanan kaming muli kasi hindi niya maenjoy yung banana cue na binili niya kasi sobrang init nung nakuha niya :)) nung umuwi na kami... kumain muna ako tapos nanood ulit kami ng movies hanggang sa makatulog na kami! :))

ngayon.. ayan masaya na naman ako! :))

No comments:

Post a Comment